Pag-resign ko bilang Comelec chair, dahil sa ‘personal’ na rason – Bautista

     2 weeks ago
13
Leave a Comment
3 SHARE

Personal umano ang rason ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa pagbibitiw nito sa pwesto na kanyang inanunsiyo ngayong araw.

Sinabi ni Bautista na ang kanyang personal na problema ay nakakaapekto sa kanyang trabaho kaya’t naisipan na niyang magbitiw sa pwesto.

Kinumpirma rin ni Bautista na nagpadala na ito ng resignation letter sa Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi pa niya personal na nakakausap ang presidente kaugnay ng naturang isyu.

Aniya, kahit epektibo pa sa Disyembre 31 ang kanyang pagbaba sa puwesto ay kinakailangan na niyang isumite ang kanyang resignation letter para magkaroon ng smooth transition dahil kailangan pa ng pangulo na mamili ng papalit sa kanya sa puwesto.

Bukas naman umano si Bautista na makausap ang Pangulong Duterte kaugnay ng pagbibitiw nito sa puwesto.

“It is with deep sadness that I am informing you about my decision to resign as the Chair of the Commission on Elections by the end of the year.  After much prayer and discernment, I believe that this is the right time to step down given the postponement of the Barangay and SK elections. This was not an easy decision. But my family, especially my children, need me now more than ever.”

READ  Tingnan ang pagbabago ng cute na cute na si Mutya

Sa kinahaharap naman na mga kontrobersiya ay nakahanda raw ang Comelec chair na harapin ang mga ito sa tamang lugar.

Nabanggit din ni Bautista na hindi pa ito magbibitiw kapag hindi naipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Mayo 2018.

Una rito nag-post ang Comelec chair sa kanyang official twitter account ng sulat na naka-address sa kanyang kasamahan at sinambit na magbibitiw na siya sa puwesto sa katapusan ng taon.

Matapos umano ang matagal na panahong pagdadasal at pagninilay-nilay, nagdesisyon si Bautista na magbitiw na sa pwesto kasabay ng pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Buo naman ang paniwala ng Comelec chair na nagampanan niya ng maayos ang kanyang trabaho sa komisyon dahil sa tulong ng kanyang mga kasamahan.

READ  P200-K pabuya inalok sa makapagtuturo sa nagtapon sa bangkay ng 14-anyos

Kasabay nito nagpasalamat si Bautista sa mga personnel ng Comelec dahil sa ipinakita nilang suporta at pagmamahal sa kanya.

“The May 2016 automated National and Local elections is a testament to our collective sacrifices and teamwork, as it was hailed by the independent local and foreign observers as the best managed and most credible in our electoral history,” bahagi pa ng statement ni Bautista.  “I am thankful for the love, prayers, and support you have shown me, most especially during my most challenging times. Amid the hurful, baseless, and malicious accusations huried against me, most of you never left my side.”

Source link

Post Comments