Pagbasa ng sakdal kay Kerwin Espinosa ipinagpaliban

     3 weeks ago
19
Leave a Comment
5 SHARE

Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagbasa ng sakdal o arraignment laban kay Kerwin Espinosa, anak ng napaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, na kapwa nahaharap sa kaso ng bawal na droga.

Pinaliwanag ni Judge Silvino Pampilo Jr., ng Manila RTC Branch 26, ang pagkabalam sa arraignment ay dahil may lulutasin pang mga mosyon na naipasa sa kanyang sala mula sa sala ni Judge Carlos Arguelles ng Baybay Leyte RTC Branch 14, ang orihinal na hukuman na humawak ng kaso laban sa mag-amang Espinosa.

Sa pagdinig, ibinasura ng hukom ang kaso ng illegal drugs laban sa dating alkalde, alinsundo sa itinatakda ng Revised Penal Code na ang kaso laban sa isang akusado ay nababasura sa sandaling sumakabilang – buhay ito.

READ  Pang. Duterte, inamin ang pagsusuplay ng armas US sa Pilipinas

Binigyan naman ng limang araw ng hukom si Atty. Jonnah John Ungab, ang collaborating counsel ng depensa para makapaghain ng motion to quash information na isinampa ng piskal laban sa kanyang kliyente na si Kerwin.

Binigyan din ng limang araw ang panig ng prosekusyon na makapaghain ng motion to amend information laban sa mag-amang Espinosa.

Kasabay nito ay itinakda ni Pampilo ang pagsalang sa arraignment sa batang Espinosa sa Oktubre 20, alas-8:30 ng umaga.

Sa nasabing petsa ay reresolbahin na rin ang motion to quash o ang kahilingan ng panig ni Espinosa na ibasura ang kaso dahil sa usapin ng hurisdiksiyon ng Baybay Leyte RTC.

READ  Loan Restructuring Program ng SSS malapit nang matapos

Kasabay nito ay lulutasin din ni Judge Pampilo ang mosyon na inihain ng piskal sa sala ni Judge Arguelles na maamyendahan ang complaint o information na isinampa ng piskalya kaugnay sa apat na bilang ng kasong criminal laban kay Espinosa.

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments