Pagkakapatay sa mga Parojinog kuwestyunable, mga inaresto dapat palayain na- Topacio

     5 months ago
649
Leave a Comment
0 SHARE

 

Kinuwestiyon ng abogado ng magkapatid na Vice Mayor Nova Echavez at Reynaldo Parojinog Jr. ang naging pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na walang iregularidad sa naging operasyon ng mga pulis noong Linggo sa Ozamiz City.

Partikular na binanggit ni Atty. Ferdinand Topacio, ang lead counsel ng magkapatid na Parojinog, ang sinabi ni Dela Rosa na walang pinipiling oras sa pagsisilbi ng warrant.

Kinwestyon rin ng abogado kung bakit maging ang ilang mga kababaihan ay nasawi sa bakbakan.

Isa din sa kinuwestiyon ni Topacio ay ang pagpatay sa cctv cameras ng mga operatiba sa bahay ni Mayor Parojinog.

READ  15 na ang patay sa wildfire sa Northern California

Nabanggit pa ni Topacio na sa pakikipag-usap niya sa magkapatid halatang labis na trauma sa pangyayari.

Samantala, igigiit naman ni Topacio na agad na palayain ang kanyang mga kliyente dahil sa pumaso na ang 36 oras na itinatakda ng batas para kasuhan ang mga ito.

Kahapon, nabigo ang kampo ng PNP na pormal na sampahan ng kaso sina vice mayor Nova Princess Parojinog at iba pang naaresto sa Ozamiz raid.

Source link

0 SHARE

Post Comments