Paglagda sa batas na nagpapaliban sa Brgy. at SK elections, kinumpirma na rin ng Malakanyang

     3 weeks ago
21
Leave a Comment
4 SHARE

Kinumpirma na rin ng Malakanyang na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana sa darating na October 23.

Mismong si Communications Secretary Martin Andanar ang nagkumpirma sa postponement ng Barangay at SK elections sa pamamagitan ng isang text message sa Inquirer.

Una nang inanunsiyo ni Commission on Elections spokesman James Jimenez sa kanyang Twitter account na pinirmahan na ng pangulo ang nasabing batas, gabi ng Martes.

Matatandaang sinabi ng Comelec na matutuloy ang nasabing halalan hangga’t walang napipirmahang batas na magpapaliban dito.

Binanggit din ni Jimenez na dapat ay pirmahan na ni Duterte ang nasabing batas bago ang pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy na una nang itinakda ng Comelec ang pagsisimula bukas, October 5.

READ  'So yesterday, I went on a date.' Isang Netizen Ang Nakipagdate Sa Isang Batang Lansangan Ngunit Nadurog Talaga Ang Puso Niya Nang Malaman Ang Kwento Ng Buhay Nito!

Sinabi ng opisyal na magkaka-problema ang mga tatakbo na nakapaghain na ng COC kung biglang sususpindehin ang eleksyon.

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments