Pagligaw sa imbestisgasyon, nakikitang motibo sa pagtatapon ng bangkay ni Reynaldo de Guzman sa Gapan

     3 months ago
23
Leave a Comment
5 SHARE

Para iligaw ang imbestigasyon ang nakikitang motibo kaya itinapon sa lungsod ng Gapan City, Nueva Ecija ang bangkay ni Reynaldo de Guzman alias Kulot.

Sa panayam kay Mayor Emerson Pascual, isa sa mga pinakatahimik na bayan sa lalawigan ang Gapan.

Kayat aniya nais niyang magkaroon ng malalimang imbestigasyon para mabigyan ng hustisya si de Guzman.

Nangako naman si Pascual na sasagutin na niya ang lahat ng gastusin mula sa pag autopsy sa biktima hanggang sa pagpapalibing kay Kulot kahit sa Cainta, Rizal.

Sinabi naman ni Police Supt. Peter Madria ang hepe ng pulisya ng lungsod maaring habang ibinibiyahe si Kulot ay pinagsasaksak ito ng 30 ulit bago itinapon sa ilog.

READ  Reklamo ni Marcos sa integridad ng 2016 national elections ibinasura

Aniya 1:30 ng hapon ng Martes ng matanggap nila ang ulat ukol sa natagpuang bangkay sa ilalim ng tulay sa Barangay San Roque.

Inamin naman nito na hindi nila inakala na ang bangkay ay may kaugnayan sa pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz.

Si de Guzman ang huling nakitang kasama ni Arnaiz noong gabi ng Agosto 17 at iyon na ang huling pagkakataon na nakitang buhay ang dalawa.

Source link

5 SHARE

Post Comments