‘Pagpabalik sa akin sa Phl ni Paddock akala ko ukol sa break up’ – Marilou

     2 weeks ago
47
Leave a Comment
0 SHARE

Inakala umano ng Filipina na si Marilou Danley na may kinalaman sa pakikipaghiwalay ang pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas ng boyfriend, at Las Vegas mass shooting gunman na si Stephen Paddock.

Sa kanyang naging unang public statement, iginiit nito na wala siyang ideya sa plano ng kasintahan na gagawa ito ng nasabing insidente, kung saan 59 katao ang namatay, habang mahigit 500 naman ang sugatan.

Kaugnay niyan, inilarawan ng ginang ang nobyo na mabait at hindi umano nagbigay ng bakas o babala na may gagawin itong malagim na krimen.

“It never occurred to me in any way whatsoever that he was planning violence against anyone,” bahagi ng statement ni Danley na binasa ng kanyang attorney na si Matt Lombard.

READ  NDF at mga militanteng grupo naniniwala pa rin na uusad ng peace process

Ayon kay Danley, binilhan pa siya ng ticket pauwi ng Pilipinas ng nobyo, dalawang linggo ang nakakaraan.

Ang $100,000 na pera na ipinadala sa kanya sa Pilipinas ay para bumili umano ng bahay para sa sarili at sa pamilya.

Nangako naman ito na makikipagtulungan sa imbestigasyon at gagawin ang lahat para mabawasan ang dinadanas na paghihirap ng mga naging biktima.

“I will cooperate fully with their investigation,” ani Marilou. “Anything I can do to help ease suffering and help in any way, I will do.”

Una rito ay dumating si Danley sa Amerika mula Pilipinas kagabi at agad nakipagtulungan sa Federal Bureau of Investigation at Las Vegas police.

READ  Ex-vice mayor sa Cagayan, patay sa ambush sa Tuguegarao City

Source link

Post Comments