Pagpapaubaya ni Duterte ng anti-drug war sa PDEA, hindi ‘cover-up’ sa kabiguan ng PNP – Palasyo

     2 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Mariing itinanggi ng Malacañang na “cover-up” sa kabiguan o kapalpakan ng PNP sa anti-drug war ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na lamang ang kampanya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang memorandum circular ni Pangulong Duterte ay isang tugon sa sitwasyon kung saan marami ang tumutuligsa sa anti-drug war na ipinatutupad ng PNP.

Ayon kay Abella, ang hakbang ng pangulo ay para pagbigyan ang mga kritikong nagpapanukala ng ibang paraan sa paglaban sa iligal na droga.

Pero inihayag ni Abella na gaya ng sinabi mismo ng pangulo, titingnan na lamang kung ano ang magiging resulta ng trabaho ng PDEA sa kabila ng bigat ng problema at responsibilidad.

READ  Kabayan Party list Rep. Harry Roque pormal ng itinalaga bilang Presidential Spokesperson

“I think that’s, you know, that’s presumptive to think that it’s a grace… it’s a graceful cover up, no. It’s simply a response to a situation. It’s a — if it were a business, it’s a corporate decision,” ani Abella.

Source link

Post Comments