Pagsibak sa sebisyo kina Padilao at Tinio, dumaan sa due process – PNP Chief

     2 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa na dumaan sa due process ang pagsibak sa serbisyo kina Quezon City Police District Director Chief Supt. Edgardo Tinio at National Capital Regional Police Office Dir. Joel Pagdilao.

Ayon kay Dela Rosa, inabot ng mahigit isang taon bago ang lumabas ang desisyon sa kaso ng dalawang heneral na dumaan muna sa masusing proceedings ng National Police Commission (NAPOLCOM) bago naipasa sa Malacanang.

Paliwanag pa ni Dela Rosa, anim na buwan ang itinagal bago napirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang rekomendasyon dahil inaral nya itong maigi.

Dahil sa dismissal, hindi na makatatanggap ng benepisyo sina Pagdilao at Tinio sa mga taon na inilagak nila sa serbisyo.

READ  PHL is Asia's second top performer with 6.8% GDP in 2016; grows 6.6% in Q4

Nilinaw naman ng hepe ng PNP na hindi makukulong ang dalawa dahil administrative case at hindi naman criminal case ang isinampa sa kanila.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang dismissal order ng dalawang police generals ay nag-ugat sa kanilang pagkakasangkot sa umano’y iligal na droga.

Matatandaang sina Pagdilao at Tinio ay kasama sa limang narco-generals na pinangalanan ni Pangulong Duterte.

Source link

0 SHARE

Post Comments