Pagsibak sa serbisyo sa 2 police generals, dumaan sa due process – Dela Rosa

     2 weeks ago
11
Leave a Comment
4 SHARE

Tiniyak ni PNP chief Police Director General Ronald dela Rosa na dumaan sa due process ang pagsibak sa serbisyo sa dalawang police generals na itinuturing na mga narco-generals.

Ayon kay Dela Rosa, anim na buwang pinag-aralan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon na i-dismiss sa serbisyo sina Police Chief Supt. Edgardo Tinio at Police Director Joel Pagdilao.

Sinabi ni PNP chief na ang rekomendasyon ng National Police Commission (Napolcom) ay sibakin sa serbisyo ang dalawang heneral at kanilang isinumite sa Malacañang para sa desisyon ng pangulo.

Paliwanag ni Dela Rosa na tumagal din ng mahigit isang taon ang buong proseso bago napag desisyunan na sibakin sa serbisyo ang dalawang heneral.

READ  'Manila-proofed' Van Ng Pamilya Kramer, Pinagkakaguluhan Ngayon Sa Social Media

Ang kasong kinakaharap ng dalawang heneral ay serious neglect of duty, kasong administratibo at hindi kriminal kaya hindi sila makukulong.

Pero forfeited na aniya ang lahat ng kanilang mga benepisyo kabilang ang kanilang retirement benefits.

Ang dalawang heneral ay kabilang sa listahan ng mga umanoy narco-generals ng Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments