Palasyo, dumistansya sa balak ng Kamara na ituloy impeachment vs Bautista

     1 week ago
11
Leave a Comment
0 SHARE

Ayaw nang makialam ng Malacañang sa impeachment complaint na balak ituloy ng Kamara laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ito ay sa kabila ng paghahain ni Bautista ng resignation na epektibo sa December 31, 2017.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahala na ang Kongreso na magdesisyon kung ano ang gagawin hinggil sa impeachment laban kay Bautista sa kabila ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
READ: ‘Walang ‘x-deal’ o ‘trade-off’ sa pagbibitiw ko bilang Comelec chair’ – Bautista

Ayon kay Abella, kinikilala nila ang naging serbisyo ni Bautista sa Komisyon at umaasa silang magkakaroon ng maayos na transition sa oras na may mapili si Pagulong Rodrigo Duterte na bagong Comelec chairman.

READ  NCRPO sa publiko: Total gun ban epektibo na; PTCFOR suspendido

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Malacañang kung tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Bautista sa Comelec.

“Well, Congress shall decide what to do, you know, with this impeachment in view of his resignation. We acknowledge the services of the chairman and after his successor is named, we look forward to a smooth transition and preparations for Barangay and SK Elections next year for — and midterm polls, and if possible, BBL and Charter Change plebiscites in 2019. So basically we have no comment regarding that,” ani Abella.

Source link

Post Comments