Palasyo ikinatuwa ang pagbabayad ng PAL ng P6-B utang sa gobyerno

     2 weeks ago
17
1 Comment
3 SHARE

Iginiit ngayon ng Malacañang na ang pagbabayad ng Philippine Airlines (PAL) ng pagkakautang ay patunay na kung prayoridad ng gobyerno ang national interest, aasahan ang kooperasyon ng mamamayan.

Magugunitang ngayon ang deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PAL para bayaran ang pagkakautang sa gobyerno kundi ay ipapasara ang terminal nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pumayag na ang PAL na bayaran ng buo ang P6 billion na hinahabol ng CAAP at MIAA, bagay na tinanggap naman ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Abella, malaking tulong ang pera para maipatayo ang kinakailangang imprastruktura para suportahan ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

READ  'No ID, no entry' policy, ipinatupad sa Cotabato City

Kasabay nito, hinihikayat ng Palasyo ang lahat ng mamamayang isantabi ang pansariling interes para maitayo ang isang bansang nararapat sa susunod na henerasyon.

“The matter of PAL’s unpaid charges has been decisively settled. It is a clear reminder that when government prioritizes national interest citizens will cooperate. PAL has agreed to pay in full the P6B claims of the CAAP/MIAA, which the Department of Transportation (DOTr) accepted, which will go a long way to help build much needed infrastructure to support our economic capabilities. We enjoin one and all to set aside self-interest and together build a nation worthy of the next generation,” ani Abella.

READ  Ito Ang Mga Palatandaan Na Di Mo Dapat Baliwalain Kung Ikaw Ay May Sakit Sa Kidney!

Source link

Post Comments