Palasyo kay Trillanes: Maglabas ng ebidensya na drug triad member si ‘Pulong’

     3 months ago
19
Leave a Comment
6 SHARE

Hinamon ng Malacañang si Sen. Antonio Trillanes na maglabas ng ebidensya kaugnay sa alegasyon nito laban kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na umano’y miyembro ng drug triad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, napakaseryoso ng paratang ni Trillanes kaya dapat nitong suportahan ng sapat na ebidensya.

Samantala, hindi naman masabi ni Abella kung nanood din sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tanging nasabi ni Abella na “on top of the situation’ ang pangulo sa lahat ng isyu o usapin sa bansa.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na bago pa man siya manalong presidente, nagtatapon na ng basura si Trillanes sa kanyang pamilya at tinawag ng smuggler ang anak na si Pulong.

READ  Cardinal Tagle on Nazareno 2017: Stop judging others

“No, I’m saying that, you know, those are very serious allegations. And he better… He needs to have some pretty substantial evidence to support that statement,” ani Abella.

Source link

Post Comments