Palasyo: Senate resolution vs drug killings, OK; extra-judicial killings hindi state-sanctioned

     3 months ago
17
Leave a Comment
3 SHARE

Walang nakikitang masama Malacañang sa inilabas na Senate Resolution No. 518 na nananawagan sa gobyerno na itigil na ang drug-related killings lalo sa mga kabataan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakikiisa ang Ehekutibo sa Senado sa pagpapahayag ng pagkabahala sa mga patayan kamakailan at gayundin sa pagkondena sa extra-judicial killings.

Pero nilinaw ni Abella na hindi “state-sanctioned” o polisiya ng estado ang extra-judicial killings gaya ng lumabas na konklusyon ng Senate committees on justice and human rights, on public order and illegal drugs na nagsagawa ng imbestigasyon sa mga nangyaring patayan.

Iginiit din ni Abella na isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga operasyon ng maayos at sang-ayon sa ligal na proseso.

Idinagdag pa ni Abella na bagama’t marahas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa iligal na droga, galit din umano ito sa mga paglabag at pag-abuso ng mga police scalawags.

READ  Libu-libong tao, tumungo sa UPLB upang makakuha umano ng pera mula sa pamilya Marcos

Patunay daw dito ang kooperasyon ng gobyerno sa imbestigasyon ng Senado laban sa mga nagkakasalang mga pulis at pagsuporta sa pagparusa ng PNP sa mga kabarong lumalabag sa batas sa mga drug-related operations.

“The Executive shares the expressed concern of the Senate on the recent spate of drug-related deaths and similarly condemns extrajudicial killings. But we need to clarify again that extrajudicial killings, or EJKs, are not State-sanctioned. There are no State-sponsored killings in the Philippines, a conclusion made by the Senate committees on justice and human rights, on public order and illegal drugs which previously conducted investigations on EJKs,” ani Abella.

“While the President is harsh against those involved in illegal drugs, he is equally appalled by misdemeanors of police scalawags. We thus welcome the Senate’s investigations and inquiries on erring police personnel as a manifestation of a freely functioning and democratic State mechanism. The President remains firm on the need to cleanse the police of its misfits, especially those responsible for these violations. More than 1,900 drug-related investigations of allegations against law enforcement officials have been carried out between July 1, 2016 and June 15, 2017 by the PNP Internal Affairs Service (IAS). Of this total, 1,045 cases have moved to the administrative proceedings stage and 159 law enforcement officials face dismissal from service, with many others undergoing pre-charge investigations or summary hearings. These erring persons in uniform do not have a place in a State organization which is a human rights duty-bearer, with a primary role to protect the right to life, liberty, and property of the people by way of an effective anti-illegal drug campaign.”

READ  Gobyerno aasahang transparent sa Marawi rehab funds - Palasyo

Source link

Post Comments