Panelo: Panahon na para mapatalsik sa Senado si Trillanes; alegasyon vs VM Duterte, intriga lang

     3 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Kumbinsido si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo na panahon na umano para mapatalsik sa Senado si Sen. Antonio Trillanes.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Sec. Panelo, wala ng ginawa ang aniya’y “walking robot” na si Trillanes kundi manira at gumawa ng intriga laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman nagtatagumpay.

Ayon kay Panelo, kung makaasta daw si Trillanes sa Senado ay akala mo kung sino kaya tama lang daw ang inihaing ethics complaint ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon.

Kasabay nito, iginiit ni Panelo na hindi seryoso bagkus intriga lamang na walang basehan ang paratang ni Trillanes laban kay Vice Mayor Paolo Duterte na miyembro ito ng drug triad.

READ  Sangkot sa 'denguevaxia' panagutin kung may anomalya - Palasyo

Nakakatawa din daw ang basehan ni Trillanes na tattoo ng batang Duterte dahil kahit sino naman daw ang maaaring magpatattoo ng disenyong dragon.

“It is about time that he is expelled from the Senate. Wala ng ginawa ‘yan kundi manira, lumikha ng intriga laban sa presidente,” ani Panelo sa panayam ng Bombo Radyo.

Source link

Post Comments