‘Pangamba sa ‘Stockholm syndrome’ kay Fr. Suganob, pinawi’

     3 months ago
14
Leave a Comment
2 SHARE

ILOILO CITY – Binigyang diin ni Lanao del Sur Assemblyman Zia Alonto Adiong na walang pagbabago sa Ilonggo priest na si Fr. Teresito “Chito” Suganob sa kabila ng ilang buwang pananatili sa kamay ng teroristang Maute.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Adiong na taliwas sa mga pangamba ng Stockholm syndrome, hindi umano niya nakita ito sa pari.

Sa ilang oras aniya nilang pagkakasama matapos inihatid ito sa Manila, pawang kapayapaan at healing ang bukambibig nito.

Kung ano aniya ang pagkakilala niya noon sa pari bago ito hinostage ng Maute, ganito pa rin ang nakikita niya kay Suganob.

Dagdag pa ni Adiong, mismong si Father Suganob aniya ang nagsabi sa kaniya na isang lehitimong military operation ang nangyari sa Bato Ali mosque na naging daan kung bakit nakatakas ang mga ito.

READ  Showtime Dancer Turned Girltrend Joana Hipolito

The post ‘Pangamba sa ‘Stockholm syndrome’ kay Fr. Suganob, pinawi’ appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments