Pangilinan, Trillanes, Hontiveros sumagot sa mga banat ni Mayor Sara Duterte

     2 months ago
116
2 Comments
10 SHARE



Sinagot ng mga senador si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang naging Facebook post kaninang umaga kung saan tinira niya ang mga ito.

Ayon sa Facebook post ni Inday Sara, humingi umano ng tulong sa kampanya sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV noong nakaraang eleksyon.
Bwelta ni Pangilinan, ikinalungot raw nito ang mga pahayag ni Inday Sara. Marunong din naman daw siyang tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya noong eleksyon.

“Nalulungkot tayo sa mga paratang sa atin ni Mayor Sara Duterte sa social media. Marunong din naman tayong tumanaw ng utang na loob sa mga tumulong sa atin sa halalan. Kasama na dito ang Davao City, at sa katunayan, ilang proyekto din ang nilaan natin sa Davao mula 2001 hanggang 2012 sa dalawang termino natin bilang senador,” pahayag ni Pangilinan.
“Subalit ang tungkulin natin sa bayan at sa kapwa Pilipino ay mas matimbang sa anumang pagkakaibigan. May hangganan din ang tumanaw ng utang na loob,” dagdag nito.
Itinanggi rin ni Pangilinan ang paratang ng mayora sa kanyang ambisyon na maging presidente.
“Sa totoo lang, mas madali at may pakinabang sa nag-a-ambisyon ang tumahimik na lang at sumama sa agos. Marami sa Partido Liberal ang lumipat na sa PDP-Laban dahil sa ambisyon at sa pulitika. Dapat sana ganun din ako,” sabi ni Pangilinan.
Hindi raw umano titigil ang senador at maninindigan ito sa pagbabatikos sa administrasyon sa kampanya kontra illegal drugs.
“Hindi pa rin tama ang araw-araw na patayan lalo na ng mga bata at ang pagpapalusot ng tone-toneladang shabu sa Customs. Yan ang mga dahilan kaya tayo pumupuna,” sabi ni Pangilinan.
“Nauunawaan ko ang sitwasyon nang binabatikos sa pulitika. Halos dalawang dekada na rin akong naninilbihan bilang mataas na opisyal ng bansa. Masakit ang pinupuna at binabatikos ngunit ganyan ang demokrasya,” dagdag pa niya.
Hindi naman raw inaasahan ni Sen. Hontiveros ang mga naging pahayag ng mayora dahil marami raw silang pinagsamahan.

READ  Negros farm workers’ leader slain as rights violations complaints traded at Rome talks

“My stand on the war on drugs and my current criticisms of the administration should come as no surprise. Dissent is healthy in a democracy. It serves a check and balance to abuse of power and a way to better governance. It should never be viewed as a hindrance,” sabi ni Hontiveros.
“I harbor the Mayor no ill will and I wish her well. But this is not a question of loyalty. This is a matter of service, of consistency and of principle, and the defense of the rule of law and human rights. I am sure, as a fellow public servant, she understands that,” dagdag pa niya.
Samantala, naging maanghang naman ang sagot ni Sen. Trillanes kay Inday Sara, “Ang mga panunumbat ni Mayor Sara Duterte ay nung hindi ko pa kilalang mamamatay tao at magnanakaw ang tatay nyang si Pres. Duterte. Iba na ngayon, alam ko na ang katotohanan.”

‘Di ba naisip ni Sara Duterte na ‘di hamak na mas madaling maging oportunista sa pagsipsip ngayon kay Duterte imbes na kalabanin sya? Maiba ko, kelan kayo pipirma ng waiver para mapatunayan nIyo sa taong bayan na hindi kurakot ang pamilya niyo?”
Basahin ang buong Facebook post ni Mayor Sara Duterte:
“Tindig Pilipinas aka Hunger Games Pilipinas.
Kiko Pangilinan- Several years ago nagkita tayo dito sa Davao, sa isang golf club, pinuntuhan mo si PRD. Gusto mo tumakbo Presidente, ansabe mo? “With Sharon’s indorsement and your (PRD) indorsement I’m sure I can make it.” Dati pa-indorse ka sa kanya ngayon may pa hunger games salute effect ka.
Risa Hontiveros – Sa picture ikaw ang pinaka makapal ang foundation acheng. Habang tinutulungan ko si PRD at ang nanay ko mangampanya, nasa byaheng du30 ako, ilang beses mo ako inabala, kinulit at tinawagan para humingi ka ng tulong sa boto mo sa Davao City? I can remember your bored face listening to me in our law office just so you can get support for Davao.

READ  Watch! Wag kami sisihin sa pagpapatupad ng Martial Law ayon kay Ramos

Trillanes – Years ago, nagrequest ka makipag kita sa akin dito sa Davao,nasa Damosa ka, ano sabi ko sa emissary mo? No. You know why? I never liked your circus sa Manila Peninsula. Pero meron ako picture na nakipagkita ka kay PRD kasi humingi ka ng tulong niya sa VP campaign mo.
VP Robredo – I’ll reserve my remarks kasi sabi mo naman hindi ka member ng Hunger Games Pilipinas.
Lahat ito hindi chismis kasi personal knowledge ko at may corroborative witnesses ako. Matanong ko lang, nung mga panahon na humingi kayo ng tulong, may isyu ba kayo sa governance ni PRD? Wala. Ngayon na nanalo na siya? Meron. Hunger Games, Pilipinas: Plastic na, oportunista pa. Kayo 3 may ambisyon mag Presidente, I grew up in politics, mas matagal pako sa pulitika kesa sa inyo 3 combined. I smell ambition a million miles away. Akala ninyo yung circus ninyo ngayon magpapanalo sa inyo sa 2022? Hindi.
Ano ititindig niyo? Paninindigang Trapo.
Mamuyboy ko? Yes. You don’t use PRD whenever convenient para sa pulitika ninyo. Kung wala ang boto ng Mindanao, mananalo kaya kayo?”
***Source/s:

“);


10 SHARE

Post Comments