Pangulong Duterte, aminadong gumagamit na ng ‘oxygen concentrator’

     6 months ago
255
Leave a Comment
0 SHARE

 

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit na siya ng medical apparatus na tinatawag na ‘oxygen concentrator’ sa tuwing siya natutulog.

Nagpaliwanag ang pangulo sa paggamit ng naturang aparato matapos mapansin ng mga netizens ang naturang aparato sa mga larawan habang binibisita ng mga apo sa kanyang ika-72 taong kaarawan kamakalawa.

Sinabi pa ng pangulo na kailangan niya ang oxygen concentrator dahil na rin negatibong epekto sa kanyang katawan ng ilang taong paninigarilyo.

At dahil sa siya ay pitomput dalawang taong gulang na, hindi na rin siya makakain ng kahit anong gusto niya dahil sa mataas na cholesterol at sugar level.

Hindi na rin siya aniya makainom ng alak dahil sa Barretts esophagus na isang kompikasyon ng Gastroesophageal Reflux Disease (GERD).

Source link

0 SHARE

Post Comments