Pangulong Duterte, handang mamatay makapunta lamang sa Marawi City

     2 months ago
74
Leave a Comment
0 SHARE

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Marawi City kahit pa nagpapatuloy ang bakbakan doon.

Sa inilabas na video ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson, sinabi ni Dutrerte na hindi siya papayag na makarating lamang ng Marawi City kapag mapayapa na ang lahat.

Ayon sa presidente, nais niyang ipakita at iparamdam sa mga sundalo at pulis na siya’y kaisa at hindi niya iiwanan ang mga ito sa gitna ng giyera at pakikipagpatayan sa mga terorista.

Dagdag pa ni Duterte, handa siya sa anumang mangyari dahil kung talagang panahon na niya, ay handa siyang mamatay makapunta lang ng Marawi City.

Huling nagtangka ang pangulo na makapunta sa conflict area noong nakaraang Biyernes at Sabado ngunit hindi nakatuloy dahil sa sama ng panahon.

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments