Pangulong Duterte, nagtungo sa Iligan; sinubukang magpunta sa Marawi pero hindi natuloy

     5 months ago
74
Leave a Comment
0 SHARE

Nagtungo si Pangulong Duterte sa Iligan City ngayong araw, Biyernes, July 7.

Binista ni Duterte ang mga sundalo mula sa 2nd Mechanized Infantry Brigade, Light Armor Division ng Philippine Army sa Barangay Maria Christina, Iligan City.

Sa nasabing pagbisita na hindi ipinaalam sa media, tiniyak ng pangulo sa mga sundalo na buo ang suporta ng kaniyang pamahalaan sa tropa ng gobyerno.

Sa larawan na inilabas ng Presidential Communications Office makikita ang pangulo na naka-camouflage at kasama si Special Assistant to the President, Christopher ‘Bong’ Go.

Matapos ang pagbisita sa Iligan, sunod sanang pupuntahan ng pangulo ang Marawi City.

READ  Road projects bawal na mula Nov. 1 para makabawas sa Christmas rush traffic

Gayunman, nagpasya ang pangulo na huwag nang tumuloy dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Maghapon kasilang ulan ng ulan sa maraming lugar sa Lanao Del Sur.

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments