Panibagong oil price hike kasado na bukas

     3 months ago
19
Leave a Comment
5 SHARE

Magpapatupad na naman ng dagdag presyo bukas ang ilang kumpanya ng langis.

Mamayang 12:01 madaling araw ay magtatas presyo ang Flying V sa kanilang mga produktong petrolyo.

Nasa P0.40 ang dagdag sa gasolina at BioDiesel kada litro at nasa P0.50 naman sa kada litro ng kerosene.

Simula alas-sais ng umaga bukas ay magpapatupad ng taas presyo ang Eastern Petroleum.

Aabot sa P0.40 centavos ang dagdag sa diesel at gasoline kada litro.

Magtataas din kahalintulad na halaga bukas ang ang Phoenix Petroleum Philippines, Pilipinas Shell, Petron, Clean Fuel, Unioil, PTT, Chevron at Metro Fuel.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis kung saan ay umakyat na sa tatlong piso ang naidagdag sa halaga ng bawat litro ng gasolina.

READ  Morales disputes Duterte on ‘selective justice’ claim

Ang panibagong fuel price hike ay may kaugnayan pa rin umano sa pagtaas ng presyo nito sa world market.

Source link

5 SHARE

Post Comments