Panukalang ‘immunity’ sa pamilya Marcos tinawag na ‘crazy idea’ ng oposisyon

     3 months ago
20
Leave a Comment
4 SHARE

Salungat ang iba pang miyembro ng oposisyon sa isinusulong na immunity para sa pamilya Marcos.

Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin na hindi nararapat na bigyan ng immunity ang mga Marcos kahit may kapangyarihan daw ang Kongreso para magpatibay ng batas ukol dito.

Magpapakita lamang daw kasi ito na “negotiable” ang katarungan sa bansa at depende ito sa kung sino ang nakaupo sa puwesto.

Binansagan naman na “crazy idea” ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang balak na ito.

Sa oras daw kasi na matuloy ang balakin na ito ng punong ehekutibo ay kahit sino na rin ay maaring mabigyan ng immunity.

Una nang iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayag ang mga Marcos na magbabalik sa mga hinahabol na yaman kung ikukulong naman sila.

READ  Palasyo sa sasali sa 'revolutionary gov't' rallies: 'Gawing payapa ang pagkilos'

Sinabi ng Pangulo, kailangang magpasa ng batas para mabigyan ng immunity ang mga Marcos para pumayag sa kasunduang ibalik ang sinasabing nakaw na yaman.

Ayon pa sa Pangulong Duterte, hindi mga bobo ang mga Marcos na magsasauli ng yaman at magpapakulong.

Pero bahala na raw ang Kongreso kung bibigyan ng immunity ang mga Marcos pero kung hindi, aasahan daw na walang mangyayaring deal sa gobyerno.

“Well, they were tasked to recover. Probably this is part of their mandate. But then again I said, other than those agreements ordinarily made, itong mga Marcos, hindi ito papayag na isauli nila tapos kulungin mo sila. So I said, they have to craft a law on that – and that is immunity. Hindi mga bobo ‘yan… o sige isauli ko, pero huwag mo akong kulungin… ganoon ‘yan. Otherwise kung kulungin mo ako, kung ako sa Marcos, bakit ko isauli? I’ll try to reserve it for my children and grandchildren… ‘di ba?” ani Pangulong Duterte.

READ  Netizen fears for Duterte’s reign: “Old order and an oligarchy just do not go quietly into the night”

“O kung ako ang Marcos… eh kung iyong torpe nagsabi moron ako… I’m asking you, kung iyon isauli ko, tapos kulungin mo ako… ikaw, payag ka? Sasabihin na lang ni Marcos, “No deal, we’ll shut up. Sige hanapin ninyo kung mahanap ninyo.”

Source link

Post Comments