Paolo Duterte at Manases Carpio, balak ipa-lifestyle check ng Blue Ribbon committee

     2 months ago
20
Leave a Comment
0 SHARE

 

Inirekomenda ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, na isailalim sa lifestyle check sina Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.

Ito’y kaugnay ng mga alegasyon na sangkot ang dalawa sa smuggling na isinasagawa umano ng “Davao Group.”

Sa draft committee report na ekslusibong nakuha ng Inquirer, hinimok ng komite ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng lifestyle check sa dalawa.

Gayunman, hindi naman inirekomenda ng komite na sampahan ng kaso sina Duterte at Carpio.

Sa ngayon ay hindi pa naaaprubahan ang nasabing draft committee dahil kailangan muna ng pirma ng majority ng komite bago ito maireport sa plenaryo at mapagdesisyunan ng mga senador kung ia-adopt o hindi.

READ  Yellows reveal their “grudging admiration” for Duterte – New York University Alumnus

Matatandaang sinabi ng customs broker na si Mark Taguba na ang Davao Group ay sangkot sa smuggling na nakakalusot dahil sa pagbibigay ng suhol na pera.

Bukod kina Duterte at Manases, ipapa-lifestyle check din ng komite sina Taguba, Nilo “Small” Abellera, Chen Ju Long alyas Richard Chen at Richard Tan, Eirene Mae Tatad, Teejay Marcellana, Dong Yi Shen Xi alyas Kenneth Dong, Li Guang Feng alyas Manny Li, Chin I Min, Jhu Ming Jyun, Lu Chen Wei, Allen Capuyan, Jojo Bacud, Atty. Christopher Bolastig at Mike Sabban.

Inirekomenda rin nila ang compliance checks at test sa HongFei Logistics Philippines, Golden Strike Logistics Inc., EMT Trading, Integricy Trading, RO at SS Tradings.

READ  MNLF Chair Nur Misuari, hindi magiging balakid sa BBL

Source link

0 SHARE

Post Comments