PDEA sa hamon ng mga senador: ‘Di pwedeng i-dispose agad ang confiscated drugs’

     2 months ago
27
Leave a Comment
2 SHARE

Hindi umano basta basta maaaring sunugin o i-dispose ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakukumpiskang drugs.

Iyan ang naging tugon ni PDEA Director General Aaron Aquino sa panayam ng Bombo Radyo ukol hamon ng ilang senador na pabilisin ang proseso ng pagsunog sa mga nakukumpiskang iligal na droga matapos ma-file ang mga kaso nito.

Ito ay kaugnay sa mga napapabalitang nire-repack at muling binibenta umano ang mga naturang ipinagbabawal na gamot na nakukumpiska.

“Kami kasi ang main repository ng mga drugs, so every time a drug is confiscated it should be turned over to us. Immediately ipo-proseso namin ito, and we will wait for the right court to order to be published, to be given to us para ma-dispose ito (drugs). We can’t just dispose drugs without court order,” ani Aquino.

READ  Rights group asks Canada to ensure choppers sold to PH not used in air strikes vs communities

Dagdag pa nito, kailangan din kasing pisikal na mainspeksyon muna ng judge ang mga nakukumpiskang droga, kung kaya magiging magastos kung magsusunog sila ng kaunting halaga lamang.

Kaugnay niyan, nilinaw din ng PDEA chief na hindi nila nire-recycle ang kanilang mga nakukumpiskang mga iligal na droga.

Source link

Post Comments