PDP-Laban, hindi na tatanggap ng miyembro simula Disyembre

     2 months ago
20
1 Comment
7 SHARE

 

Hanggang katapusan na lamang ng Nobyembre tatanggap ng mga bagong miyembro ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban.

Ayon kay PDP-Laban president at Senate President Koko Pimentel, ito ay upang pormal nang masimulan ng partido ang pagpili ng magiging line-up para sa eleksyon sa susunod na taon.

Sa oras na kanilang ihinto na ang pagtanggap ng mga kasapi, magagawa na nilang isalang sa kaukulang training at orientation ang kanilang mga bagong miyembro.

Sa pamamagitan rin aniya ng maagang paghinto sa pagtanggap ng mga miyembro ay matitiyak na lahat ng mga ito ay maagang makakatulong sa pagpapalakas pang lalo ng partido.

READ  Ex-Navy man threatens Pasay crowd, killed in police chase

Paliwanag ng senador, malakas na ang presensya ng PDP-Laban sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa biglaang pagdami ng kanilang mga miyembro.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsisilbing chairman ng partido.

Source link

7 SHARE

Post Comments