‘Person of interest’ sa Bulacan massacre pinahirapan, pinatay

     3 months ago
1250
1 Comment
170 SHARE

 

Ipinag-utos na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang masusing imbestigasyon sa pagpatay sa isa sa umano’y ‘person of interest’ sa San Jose Del Monte Bulacan massacre.

Ito’y matapos na matagpuan ang bangkay ni Ronaldo Pacinos, alyas Inggo nitong Martes sa Bgy. Sto. Cristo, hindi kalayuan sa lugar ng mag-iinang pinaslang noong nakaraang linggo.

Nang madiskubre ang bangkay, duguan ito sa tama ng saksak sa katawan, putol ang ilang daliri sa kamay at may karatulang nagsasabing ito ay ‘rapist at tulak.’

Mismong ang mga residente ang kumilala sa biktima at tinukoy na ito ang ‘alyas Inggo’ na isa sa mga ‘person of interest’ sa pagpatay sa limang biktima.

Una nang tinukoy ng umaming suspek na si Carmelino Ibañes si alyas Inggo at isang alyas Tony na kasama niya umano sa pagpatay sa mag-iinang biktima.

Source link

170 SHARE

Post Comments