Petisyon ni De Lima na kumwestiyon sa pagkaaresto sa kanya, ibinasura ng SC, 9-6

     2 weeks ago
16
Leave a Comment
2 SHARE

Mananatili sa piitan si Sen. Leila de Lima matapos ibasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon nito na kumukwestyon sa inilabas na arrest warrant ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) dahil sa kinakaharap na kaso ng senadora na umano’y paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa mga sources sa SC, sa botong 9-6 ay binasura ng mga mahistrado ng SC ang petisyon ni De Lima.

Noong Pebrero ay naghain ng petisyon ang senadora sa SC matapos magpalabas ng arrest warrant si Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Juanita Guerrero.

Kinikuwestiyon kasi ni De Lima ang hurisdiksiyon ng Muninlupa RTC sa mga kaso laban sa kanya kaugnay ng iligal na droga ng Department of Justice (DoJ).

READ  Ilang klase sa Metro Manila, karating na lugar suspendido dahil sa 2 araw na tigil-pasada

Nais ng senadora noon na ipawalang bisa ang arrest warrant ng Muntinlupa RTC Branch 204 at ipatigil ang pagdinig sa kaso.

Naniniwala kasi ang kampo ni De Lima na walang hurisdiksiyon ang Muntinlupa RTC sa reklamo ng DoJ at iligal ang naging mabilis na pagpapalabas nito ng arrest warrant laban kay De Lima.

Si De Lima ay kasalukuyang nakaditine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Source link

Post Comments