Philippine Army may libreng showing ng Pacquiao-Horn fight

     5 months ago
56
Leave a Comment
18 SHARE

May libreng live showing ang Philippine Army para sa mga sundalo at kanilang mga pamilya sa laban ni Pinoy boxing champ Manny Pacquiao at Jeff Horn na gaganapin sa Linggo sa Brisbane, Australia.

Ayon kay Lt. Col. Ray Tiongson, gaganapin ang libreng palabas sa Army Gym at Army Officers Club sa Taguig City.

Ani Tiongson, bahagi ito ng kanilang pagsuporta kay Pacquiao na isa ring Army Reservist.

Bukod dito, sinabi ni Tiongson na pampataas din ito ng morale ng mga sundalo lalo na ang mga bayaning nasa Marawi City na nakikipag giyera sa Maute Group.

Paniwala ni Tiongson, Mananalo si Pacquiao kontra kay Horn.

READ  MILF’s Iqbal exhorts lawmakers on passage of Bangsamoro Basic Law | News5

Pero ayon sa opisyal, manalo o matalo man si Pacquiao, suportado pa rin nila ang Pambansang Kamao.

Matatandaang unang pumasok si Pacquiao bilang Army sergeant reserve force noong Abril ng 2006.

Source link

18 SHARE

Post Comments