Phl-Brunei bilateral relations palalakasin pa ni Duterte sa meeting kay Sultan Bolkiah – Palasyo

     2 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Binigyang-diin ng Malacañang na mahalagang oportunidad para kay Pangulong Rodrigo Duterte na mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at Brunei Darussalam ang kanyang pagdalo sa Golden Jubilee ng pag-upo sa trono ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah.

Kagabi bumiyahe si Pangulong Duterte papuntang Brunei at dumating bandang 11:30 na kasama sina Finance Sec. Sonny Dominguez, Communications Martin Andanar, SAP Bong Go at Amb. Meynardo Montealegre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kasama rin sa delegasyon, personal na ring ipaabot ni Pangulong Duterte kay Sultan Bolkiah ang kanyang imbitasyon para muling dumalaw sa Pilipinas kasabay ng gaganapin 31st ASEAN Summit and Related Summits sa Nobyembre.

READ  10-year cooperation plan balak buuin ng China sa Phl

Ayon kay Abella, ang imbitasyon ng Sultan kay Pangulong Duterte ay patunay sa espesyal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Magugunitang ang Brunei ay mahigpit na taga-suporta ng peace process sa Mindanao at pinagtatrabahuan ng nasa 23,000 Pilipino.

Source link

Post Comments