‘Phl nagpapaliwanag na sa EU sa Duterte warning vs diplomats’

     2 months ago
24
1 Comment
3 SHARE

Kinumpirma ng Malacañang na nagpapaliwanag na umano ang gobyerno Pilipinas kaugnay sa pinakabagong pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union (EU).

Magugunitang kahapon, pinagmumura ni Pangulong Duterte ang EU at pinapalayas pa ang mga EU diplomats sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, may nagpapatuloy ng usapan sa panig ng EU para linawin ang konteksto ng naging pahayag ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Abella, nag-ugat ang galit ng pangulo sa mga pahayag ng seven-member delegation ng International Delegates of Progressive Alliance ma magpunta sa Pilipinas.

Iresponsable umano ang naging pahayag ng grupo kung saan ipinoprotesta ang umano’y human rights violations sa Pilipinas na sa tingin ni Pangulong Duterte ay pambabastos sa soberenya ng bansa.

READ  Trabaho sa gov't offices sa Dec. 26 at Jan. 2, suspendido - Duterte

Nilinaw din ni Abella na hindi pinapalayas ni Pangulong Duterte ang EU ambassadors dahil hindi ang European Union (EU) ang kanyang pinatutungukalan bagama’t sa kanyang pahayag kahapon EU ang kanyang binabatikos.

“Well, first and foremost, you have to understand that you know, he was — the President’s expression of outrage was in reaction to statements by this seven-member delegation of the International Delegates of Progressive Alliance, I believe, which was — which falsely portrayed itself as an EU miss — mission. So, this delegation’s irresponsible statements protesting the alleged… You know, the perception was, it demeans our status as a sovereign nation, to which the President was reacting to, okay,” ani Abella. “Actually… Yeah. Actually, there’s some conversation going on behind that… Alright, so…”

READ  Bloggers, hindi otomatikong makakapag-cover kay Pangulong Duterte

Source link

Post Comments