Pinay ‘roommate’ ng Las Vegas shooter, inalis na bilang ‘person of interest’ sa massacre

     3 months ago
104
Leave a Comment
20 SHARE

 

Inalis na bilang ‘person of interest’ ang Pinay na roommate umano ng 64-anyos na lalakeng namaril sa isang country music festival concert na ikinamatay ng 58 katao at ikinasugat ng nasa 515 iba pa.

Ang Pinay na si Marilou Danley, 62-anyos ay unang tinukoy ng Las Vegas Metro Police bilang ‘person of interest’ matapos mapag-alamang roommate ito ng shooter na si Stephen Paddock.

Napag-alaman na nasa labas ng Amerika si Danley nang maganap ang pamamaril ni Paddock mula sa ika-32 palapag ng Mandalay Bay na nasa tapat lamang ng lugar kung saan nagaganap ang isang music festival.

READ  Aguirre handa na sa mga kasong isinampa ni De Lima

Ginamit lamang umano ni Paddock ang idenfication documents ni Danley upang makapag-check-in sa naturang hotel.

Natagpuan rin ng mga otoridad ang sasakyan na isang Hyundai Tucson ni Danley na isinalang na rin sa kaukulang imbestigasyon.

Lumilitaw sa isang LinkedIn profile ni Danley na isa itong ‘gambling and casino professional’ na nakatira sa Reno, Nevada at nagsilbi bilang isang ‘hostess’ sa isang Casino resort and Spa sa Amerika.

Samantala, ayon sa Federal Bureau of Investigation (FBI) wala pang impormasyon na makakapagpatunay na konektado sa ISIS ang shooter na si Paddock.

Una nang inako ng ISIS ang responsibilidad sa pamamaril na naganap sa Las Vegas sa pagsasabing isa nilang ‘sundalo’ ang suspek na si Paddock.

READ  3 patay sa panig ng gobyerno sa Marawi

Source link

20 SHARE

Post Comments