Planadong pag-atake ni Stephen Paddock, hindi alam ng girlfriend

     3 weeks ago
26
Leave a Comment
0 SHARE

Wala umanong alam ang Fil-Australian na si Marilou Danley sa planong pag-atake ng kaniyang boyfriend na si Stephen Paddock sa concert sa Las Vegas.

Ayon sa abogado ni Danley na si Matthew Lombard, handa ang kaniyang kliyente na makipagtulungan sa mga otoridad.

Sinabi ni Lombard na walang ideya si Danley na nagpa-plano pala si Paddock na magsagawa ng mass shooting.

Kinumpirma din ni Lombard na si Paddock ang bumili ng ticket para sa pag-uwi ni Danley at pagkatapos ay pinadalhan pa siya ng $100,000.

Sinabihan umano siya ni Paddock na gamitin ang pera upang ipambili ng bahay.

Ayon kay Lombard, hindi inaasahan ni Danley ang nasabing pera at nangamba pa nga na baka makikipag-hiwalay na sa kaniya si Paddock.

READ  PCGG, posibleng buwagin na - Diokno

Patuloy na sasailalim sa pagtatanong ng FBI si Danley bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon at upang matukoy ang motibo ng suspek.

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments