Plunder case vs Imee Marcos, irerekomenda ng komite sa Kamara

     2 months ago
22
Leave a Comment
4 SHARE

Mahaharap sa kasong plunder si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Ito ang irerekomenda ni House committee on good government and public accountability Chairman Johnny Pimentel kasama ang ilan pa umanong mga kaso.

Bagama’t hindi pa aniya sarado ang kanilang pagsisiyasat sa paggastos ng Ilocos Norte ng P66.4 million halaga ng mga sasakyan gamit ang excise fund ng probinsya, natukoy na raw nila ang maraming batas na nilabag ng lokal na pamahalaan.

Inihalimbawa nito ang paglabag daw sa Republic Act 7171, Republic Act 9184, at Commission on Audit Memorandum Circular 97-002.

Muling iginiit ng kongresista na hindi maaaring gamitin ang pondo mula sa tobacco excise tax sa ilang mga proyekto, maliban na lamang kapag gagamitin ito sa cooperative development at infrastructure para sa naturang industriya.

READ  Mga kababaihan mula sa Marawi, naghain ng petisyon sa SC laban sa martial law

Dagdag nito na hindi dumaan sa bidding ang pagbili ng Ilocos Norte ng kontrobersyal na mga sasakyan.

Ang ibinayad naman daw sa mga ito ay pawang galing sa mga cash advance.

Kanilang natukoy rin aniya na overpriced ng P195,000 ang bawat sasakyang binili, sapagkat ang totoong presyo daw nito ay P260,000 lamang, at hindi P456,000 na hiningi ng Ilocos Norte government.

Source link

Post Comments