PMA Salaknib class of 2017: ‘We are ready to serve’

     6 months ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

 

Handa na kaming magsilbi.

Ito ang naging pagtiyak ni 2nd Lt., Rovi Mairel Martinez, class valedictorian ng Salaknib Class of 2017 sa kanyang talumpati sa kanilang pagtatapos bilang mga kadete ng Philippine Military Academy.

Sa kanyang valedictory address, sinabi ni Martinez na kanilang ipinapangako na magsisilbi sa taumbayan ng may dangal at integridad.

Ang lahat aniya ng kanilang mga natamasa ay resulta ng suporta at tulong mula sa taumbayan.

Bilang mga bagong lider aniya ng Armed Forces of the Philippines, nangangako silang mga myembro ng Salaknib Class of 2017 ng PMA na tuluy-tuloy na pagsisilbihan ang bansa at mamamayan.

Una rito, sa kanyang talumpati, hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong graduate ng PMA na pagsilbihan ang taumbayan.

Sa 167 graduate ng Salaknib Class, 63 dito ang mga babae.

Pito sa mga kababaihang kadete ay pumasok rin sa top 10.

Ito ang pinakamalaking bilang ng mga kababaihang nagtapos sa PMA sa loob ng 119 na taong kasaysayan ng institusyon.

Source link

0 SHARE

Post Comments