PNP Chief Bato, hindi kasama sa senatorial bets ng PDP-Laban sa 2019

     2 months ago
42
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi kabilang si Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa sa paunang listahan ng mga kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa pagkasenador sa 2019 elections.

Ito ay sa kabila ng mga naunang pahayag ni Bato noong Mayo na bukas siyang tumakbo sa pagkasenador.

Nauna na ngang inilabas ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang listahan na kinabibilangan niya at nina Majority Leader Rodolfo Fariñas, Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, Bataan Rep. Geraldine Roman, Davao City Rep. Karlo Nograles at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ayon kay Pimentel na siya ring chairman ng partido, hindi pinapayagan ni Pangulong Duterte na tumakbo ang mga miyembro ng kanyang gabinete para sa 2019 elections.

READ  Plunder case vs Imee Marcos, irerekomenda ng komite sa Kamara

Gayunpaman, sinabi ng senador na hindi pa naman naisasapinal ang listahan at “developing” pa ito.

Matatandaang binatikos ni Pimentel si Dela Rosa sa pagtawag nito ng “ingrate” sa mga kritiko ng giyera kontra droga.

Ang PDP-Laban ay ang political party na itinayo ng ama ni Koko Pimentel na si dating Senate President Aquilino Pimentel II.

Source link

0 SHARE

Post Comments