PNP-IAS maglalabas na ng rekomendasyon sa mga pulis sa Jee Ick Joo slay case

     6 months ago
40
Leave a Comment
0 SHARE

Kinumprima ni Philippine National Police – Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na maglalabas na sila ng resolution sa mga controversial cases na kanilang iniimbestigahan ngayon.

Kabilang dito ang pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, pagpatay sa  Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo at pagkakasangkot ng ilang CIDG personnel sa kasong kidnapping sa Bulacan.

Ayon pa kay Atty. Triambulo, nakatakda nang papirmahan kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resolution para sa kaso laban sa grupo nina S/Supt. Marvin Marcos.

Dagdag pa ni Triambulo,kasama na rin dito ang kaso nina SPO3 Ricky Sta. Isabel  na siyang primary suspek sa pagpatay kay Jee Ick Joo.

Aniya, sa darating na March 22 magsasagawa sila ng press conference para sabay-sabay irelease ang official decision ng PNP ukol sa mga akusadong pulis.

Dapat anya at maisabay nila sa timeline na ibinigay sa Senado kung saan dapat by March 31 nailabas na nila ang final decision sa mga controversial cases na hawak ng IAS na subject sa Senate inquiry.

Source link

0 SHARE

Post Comments