PNP kabado sa mga kilos-protesta kasabay ng SONA

     4 months ago
15
Leave a Comment
7 SHARE

Aminado si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na kabado siya sa dami ng mga magsasagawa ng kilos-protesta kasabay ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kumpara sa mga ralyista, sinabi ni Dela Rosa na kakaunti ang 6,000 mga pulis at 300 mga sundalo naka-deploy para bantayan ang kaayusan ng gaganaping SONA.

Umaasa naman ang opisyal na hindi lilikha ng kaguluhan bagkus ay magpapahayag lamang ng kani-kanilang mga saloobin ang mga sasama sa mga kilos-protesta.

Kasabay nito, inamin ni Dela Rosa na nananalangin siya n asana ay ulanin ang mga rally ngayong araw.

READ  MUST WATCH: Kim Chiu Nakaranas Ng Hindi Inaasahang Wardrobe Malfunction Habang Nagpeperform!

Maaga pa lamang kanina ay pumosisyon na ang ilang mga militanteng grupo malapit sa IBP Road na siyang pinaka-malapit na daanan sa Batasang Pambansa Complex.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na bibigyan nila ng magandang pwesto malapit sa Kongreso ang mga ralyista maging ang mga ito ay anti o pro-Duterte groups man.

Source link

7 SHARE

Post Comments