PNP, magdaragdag ng police visibility ngayong palapit na ang holiday season

     3 months ago
13
Leave a Comment
4 SHARE

Magpapakalat ng mas maraming pulis sa mga lansangan at establisyimento ang Philippine National Police (PNP) ngayong palapit na ang holiday season.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, target ng pambansang pulisya na dagdagan ang pwersa sa mga shopping mall at iba pang areas of convergence ng publiko.

Ipinag-utos na ni Dela Rosa sa mga commanders na dagdagan ang presensya ng mga pulis lalo ngayong paparating na ang holiday season.

Aniya, tumataas ang economic activity kaya ‘ber’ months. Dumarami kasi ang namimili at ito naman ay kadalasang sinasamantala ng mga kriminal.

Sa datos ng PNP, kapag Christmas season ay tumataas din ang demand sa ilegal na droga dahil marami ang nagpa-party.

READ  Trump, bumisita sa mga biktima ng Hurricane Harvey sa Texas at Louisiana

Tiniyak ni Dela Rosa na minomonitor ng PNP ang trend ng mga krimen para ma-evaluate ang performance ng mga police commander.

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments