PNP nanindigan na malakas ang kaso laban sa massacre suspect sa Bulacan

     3 months ago
35
Leave a Comment
15 SHARE

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela rosa na hindi na kinakailangan na sumailalim pa sa karagdagang drug test ang suspek sa pagmasaker sa isang pamilya sa San Jose Del Monte sa Bulacan.

Ito ay matapos mag-negatibo sa drug test ang suspek na si Carmelino Iba

Paliwanag ni Dela Rosa, hindi naman kaso sa ilegal na droga ang kinakaharap ni Ibañez kundi murder kaya’t bakit pa daw pag-aaksayahan pa ng pera ng PNP ang pagpapa drug test muli sa suspek.

Sinabi pa ni Dela Rosa na inamin rin ni Ibañez ang krimen.

Bukod dito, may mga pag-aaral din aniya ang mga chemist sa PNP Crime Laboratory na maaring hindi ma detect sa sistema ng isang tao kapag limitado ang nakonsumong ilegal na droga.

May mga pagkakataon din aniya na agad na nawawala ang epekto ng iligal na droga kapag mabilis ang metabolism ng isang tao.

Source link

15 SHARE

Post Comments