PNP pinangangambahang magmistulang Davao Death Squad

     4 months ago
99
Leave a Comment
0 SHARE

 

Nagpahayag ng pangamba si Magdalo Rep. Gary Alejano na magmistulang ‘halimaw’ na ang Philippine National Police.

Ayon kay Alejano, kung hindi marerendahan ang PNP ay matutulad ito sa Davao Death Squad o Kuratong Baleleng dahil sa mga police operation na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung ikukumpara anya sa Kuratong-Baleleng na kinasasangkutan ng pamilya Parojinog sa Ozamis na noon ay nagsimula na lumalaban sa insurgency laban sa NPA na suportado ng gobyerno pero kalaunan ay naging kidnap for ransom group ito.

Ganito din aniya ang nangyari sa Davao Death Squad o DDS na noong una ay nagsimula lamang sa pagtugis sa mga salot sa Davao at ngayon ay nagagamit na sideline sa pagpatay kapalit ang bayad.

READ  LOOK: Mga kanseladong biyahe ng eroplano ngayong araw, November 9

Iginiit ni Alejano na hindi dapat hayaan ng PNP na lumala ang sitwasyon at manatili ang sistema nantuwing may nasasabit na pulis sa drug war ay sasaluhin ito ng pangulo.

Source link

0 SHARE

Post Comments