PNP umalma sa resulta ng SWS survey

     3 months ago
19
Leave a Comment
4 SHARE

Umalma ang pamunuan ng Pambansang Pulisya kaugnay sa resulta ng SWS survey na nagsasabing mahigit kalahating Plipino ang naniniwala na hindi nanlaban ang mga drug suspects na napatay ng mga pulis sa mga inilunsad nilang anti-illegal drug operations.

Ayon kay PNP Spokesperson Dionardo Carlos,ang resulta ng SWS survey ay naapektuhan ng paraan ng pagtatanong at mga isyu na nagaganap noong ginawa ito.

Base kasi sa tanong sa survey, binigyan lamang ng opsyon na sumang-ayon, hindi tiyak at hindi sumasang-ayon ang isasagot ng mga respondents.

Paliwanag ni Carlos, kung walang nanlalaban na drug suspects ay di sana walang namamatay na pulis sa operasyon.

READ  Trump kung tutungo ng Phl para sa ASEAN Summit: 'We're going to see'

Giit ni Carlos na sa katunayan nasa 85 na ang nalalagas sa pwersa ng pamahalaan dahil sa war on drugs kung saan 82 dito ay mga pulis at 3 naman ang mga sundalo.

Sa naturang ng survey, 54 percent ang nagsasabi na hindi pumalag ang mga napatay, 25 percent ang undecided at 20 percent naman ang kakampi ng PNP.

Isinagawa ang survey noong June 23-26, 2017 at sinagutan ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Source link

4 SHARE

Post Comments