Police Generals Tinio at Pagdilao, dinismis sa serbisyo kaugnay ng illegal drugs

     2 months ago
29
Leave a Comment
9 SHARE

Inianusyo ng Malacañang ang pagtanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Police Chief Supt. Edgardo Tinio at Police Director Joel Pagdilao sa serbisyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pirmado na ni Pangulong Duterte ang dismissal order nina Tinio at Pagdilao noong nakaraang Huwebes.

Ayon kay Abella, ang dismissal order ng dalawang police generals ay nag-ugat sa kanilang pagkakasangkot sa umano’y iligal na droga.

Kung maaalala, sina Pagdilao at Tinio ay kasama sa limang narco-generals na pinangalanan ni Pangulong Duterte.

Hindi pa naman masabi ni Abella kung maliban sa kasong administratibo, ay mahaharap din ang dalawang opisyal sa kasong kriminal.

The post Police Generals Tinio at Pagdilao, dinismis sa serbisyo kaugnay ng illegal drugs appeared first on Bombo Radyo Philippines.

READ  Sibak Sa Pwesto Ang Coach Na Nag-Torture Sa Isang Cheerleader Habang Ito'y Nagti-Training!

Source link

Post Comments