Pondo ng CHR, ERC at NCIP ibinalik na ng Kongreso

     3 months ago
31
Leave a Comment
0 SHARE

Lumambot na ang Kamara sa pagbibigay ng 2018 budget para sa Commission on Human rights (CHR), Energy regulatory commission (ERC at National Commission on Indigenous People (NCIP) na binigyan ng P1,000 na budget sa susunod na taon.

Inamin ni House Appropriation Chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles na nagbago ang desisyon ng liderato ng Kamara makaraang makipag-usap kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga pinuno ng nasabing mga ahensyang pamahalaan.

Nabatid na humingi ng tulong sina CHR Chair Jose Luis “Chito” Gascon, ERC Commissioner Geronimo Sta. Ana at NCIP Chair. Leonor Oralde-Quintayo kina House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Nograles na nagsilbi namang mga tulay kay Alvarez.

READ  Isa na namang tren ng MRT, nakitaan ng problema sa coupler

Pumayag rin umano si Gascon na sakupinng kanilang tanggapan pati ang imbestigasyon sa mga pulis at sundalo na biktima ng paglabag ng kanilang karapatang pantao.

Sa panukalang budget ng CHR sa 2018 ay humihingi sila ng P678 Million, umaabot naman sa P390.5 Million sa ERC at P1.1 Billion para sa  NCIP.

Source link

0 SHARE

Post Comments