Pres’l son Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio, nasa Senado; dumadalo ukol sa BOC smuggling probe

     3 months ago
88
Leave a Comment
6 SHARE

Kaagad dumiretso sa Senate majority office sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw nitong si Atty. Manases Carpio.

Pasado alas-9:00 pa lang nang dumating ang dalawa na bantay sarado ng mga tauhan ng Senate security.

Nakasuot ng puting polo si Duterte at jacket na blue, habang sky blue naman ang damit ni Carpio.

Si Carpio ay ang mister ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte

Dumadalo ang dalawa base sa imbitasyon ng Senado na nag-iimbestiga sa Bureau of Customs (BOC) anomalies at P6.4 billion shabu shipment.

Bago magsimula ang pagdinig, kasamang pinatayo ang dalawa para manumpa.

Magkatabi sa upuan ang presidential son at manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

READ  Pangulong Duterte, magpa-practice ng kaniyang SONA sa Davao City

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, dawit sina Duterte at Carpio sa mga iligal na transaksyon sa BOC, bagay na pinabubulaanan naman ng kampo ng mga ito.

Samantala, full support ang mga konsehal sa Lungsod ng Davao para kina Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio.

Lumipad pa papuntang Metro Manila ang mga konsehal na kinabibilangan nila Councilors Al Ryan Alejandre, Dante Apostol, Elias Lopez, Victorio Advencula Jr., Lea Librado-Yap, Mary Joselle Villafuerte, at April Marie Dayap.

Sinabi na rin ni Alejandre na hindi makakatinag sa Davao ang mga akusasyon ni Trillanes dahil puro umano “hearsay” lamang ang mga ito.

Ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang bise alkalde at si Atty. Carpio matapos idinawit ng Customs broker/fixer na si Mark Taguba at sinasabing miyembro ang mga ito ng tinatawag na Davao Group.

READ  "Kung Ako Ang Masusunod Mapapatalsik Kita Sa Senado" Sen. Richard Gordon to Sen. Trillanes

Source link

Post Comments