Presyo ng produktong petrolyo, posibleng matapyasan sa darating na linggo

     3 months ago
16
Leave a Comment
0 SHARE

Matapos ang ilang linggong sunud-sunod na pagdadagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo, mabibigyan ng kaunting ginhawa ang mga motorista dahil may posibilidad na mabawasan ang halaga nito o kung hindi man ay mananatili ang kasalukuyan nitong presyo.

Base sa oil price monitoring sa world market, mababawasan ng five centavos ang halaga ng imported na gasolina, habang hindi naman umabot sa five centavos ang iminahal sa presyo ng diesel at kerosene.

Kaya naman posibleng bumaba ng kapiranggot ang halaga ng mga produktong petrolyo sa halagang five centavos. Ngunit posible ring manatili sa kasalukuyang halaga ang gasolina, diesel, at kerosene.

Matatandaang nitong linggo ay humirit na ang ilang mga transport groups na magkaroon ng pagtataas sa halaga ng minimum na pamasahe sa sampung piso dahil sa walong linggong sunod-sunod na pagtataas presyo sa halaga ng diesel.

READ  Crisis Management Committee sa Marawi City, umapela na huwag ituloy ang binabalak na kilos protesta sa lungsod

Source link

0 SHARE

Post Comments