Problema sa terorismo, climate change tinalakay ni Duterte sa ASEAN-East Asia Summit

     1 week ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Inisa-isa ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-East Asia Summit ang mga problema sa rehiyong may malaking epekto sa buong mundo.

Kabilang sa world leaders na kaharap ni Pangulong Duterte sa meeting ang mga lider ng ASEAN-member states, New Zealand Jacinda Ardern at South Korean President Moon Jae-in pero hindi na nakadalo si US President Donald Trump na umuwi na bagama’t kasama ang US sa East Asia group.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa mga problemang inilahad ni Pangulong Duterte ang epekto ng migration, pagkasira ng kalikasan at armed conflict.

Ayon kay Roque, kasama rin dito ang climate change at pagkalat ng terorismo at violent extremism.

READ  Ex-Immigration commissioners kinasuhan ng Ombudsman ukol sa pangingikil ng P50-M

Inihayag pa ni Roque na iginiit ni Pangulong Duterte ang papel ng ASEAN-East Asia Summit bilang mekanismo para sa estratehikong dialogue at kooperasyon sa pinakamataas na antas.

“We wish to inform that President Rodrigo Roa Duterte as Chair of the ASEAN-East Summit cited the effects of migration, environmental degradation and armed conflict in the region have global repercussions. These include the impact of climate change and the spread of terrorism and violent extremism. PRRD likewise discussed the East Asia Summit with ASEAN as a mechanism by which strategic dialogues and cooperation could be established at the highest level,” ani Sec. Roque.

READ  Is Mich Liggayu Getting Married Two Years After Her Fiance Jam Sebastian Di3d?

Source link

Post Comments