PSG officer, natagpuang patay sa loob ng PSG complex sa Malakanyang

     3 months ago
105
Leave a Comment
0 SHARE

(UPDATE) Isang sundalo ang natagpuang patay sa Presidential Security Group o PSG complex sa loob mismo ng Malakanyang.

Ayon kay PSG Chief Brig. Gen. Lope Dagoy, ang biktima ay si PSG Officer Major Harim Gonzaga.

Dakong 8:50 ng umaga nang makita ng misis ni Gonzaga na si Shiela na wala nang buhay ang kanyang mister.

May tama ng bala ng baril sa puso ni Gonzaga.

Agad na inatasan ang PNP ang SOCO na magsagawa ng pagsisiyasat.

Wala pang resulta ang imbestigasyon, pero wala raw indikasyon ng struggle o tipong nanlaban.

Sa ngayon sinabi ni Dagoy na wala rin silang nakikitang foul play sa pagkamatay ni Gonzaga.

READ  38 Chinese nationals na sangkot sa online gambling, arestado sa Bataan

Sinabi ni Dagoy na mahirap sabihing suicide, pero pwedeng aksidente ang nangyari.

May natagpuang caliber 45 na baril, na pag-aari raw ni Gonzaga at hindi service firearm.

Dinala na ang mga bangkay ni Gonzaga sa Archangel funeral homes.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments