PWDs exempted na sa 12% VAT

     11 months ago
126
Leave a Comment
53 SHARE
Cong. Martin Joins Fun Run for PWDs in Tacloban

Exempted na ngayon sa value added tax (VAT), at may karagdanan pang tax deductions ang mga persons with disabilities (PWDs).

Ito ay matapos na pormal nang nilagdaan ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10754, na nag-uutos na bigyan ng 12-percent VAT exemption ang mga may kapansanan sa bansa.

Pinangunahan ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo ang paglalagda ng RA 10754.

Inimbitahan din niya para dito si Philippine Constitution Association (Philconsa) President Martin Romualdez, na dating congressman ng Leyte.

Si Romualdez ang siyang pangunahing may-akda ng naturang batas noong 16th Congress.

Noong Marso 24, nilagdaan ni dating Presidente Noynoy Aquino ang naturang panukala ni Romualdez.

READ  Dating spokesperson ni Arroyo, itinalaga ni Duterte sa Home Development and Mutual Fund

Sa ilalim ng RA 10754, exempted ang mga PWDs sa 12-percent VAT sa land transportation, domestic air at sea travel, mga bayarin sa medical at dental services kabilang na ang diagnostic at laboratory fees, at professional fees sa mga doktor.

Malaking tulong din ito sa ginagastos ng mga PWDs sa mga binibiling gamot.

Read the continuation at the next page

Post Comments