Ramon Casiple sinabihang ‘iresponsable’ si Pres. Duterte

     12 months ago
917
Leave a Comment
1.4k SHARE
Ramon Casiple, executive director Institute for Political and Electoral Reform

Pinayuhan ni Institute for Political and Electoral Reform executive director Ramon Casiple si Pangulong Rodrigo Duterte na magdahan-dahan sa kanyang pananalita dahil ang mga ‘iresponsableng’ pahayag umano nito ay maaaring pagmulan ng hindi pagkakaintindihan sa ibang mga bansa.

Tulad na lamang umano ng pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa umano’y mga napatay nito sa kanyang war on drugs noong siya’y Mayor pa lamang ng Davao City.

Posible umanong seryosohin ito ng UN Commission on Human Rights dahil sa bibig na umano nito mismo nanggaling na pumatay siya ng mga drug addicts sa nasabing lungsod.

Giit ni Casiple, kung hindi titigil si Pangulong Duterte sa kanyang mga binibitawang salita ay maaari nitong maipahamak ang buong bansa at mapasabak sa giyera ng wala sa oras.

READ  2 pulis sugatan sa pagsalakay ng 100 NPA sa police station sa MisOr

Post Comments