Regional directors ng PNP, binigyan ng ultimatum ni Dela Rosa para sugpuin ang illegal gambling

     2 months ago
83
Leave a Comment
21 SHARE

Nagpataw ng 15 araw na deadline si Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa para sa regional police directors para wakasan ang illegal gambling.

Babala ni Dela Rosa, sisibakin niya sa pwesto ang mga hepe sa mga rehiyon na mabibigo sa kampanya kontra illegal gambling. Giit niya, sapat na ang 15 araw para eito.

Nanawagan din ang PNP chief sa lehitimong small-town lottery operators na huwag pagtakpan ang maarestong bookies operators.

Ayon kay Dela Rosa, ang pulisya ang kadalasang nasisisi sa jueteng operations ng mga STL operator.

Banta pa ni Dela Rosa, “uubusin” niya ang mga illegal gambling operators.

 

 

 

 

 

 

 

Source link

21 SHARE

Post Comments