Reklamo ni Marcos sa integridad ng 2016 national elections ibinasura

     3 months ago
21
Leave a Comment
4 SHARE

Nakapuntos ang kampo ni Vice-President Leni Robredo sa inihaing election protests laban sa kanya ni dating Senador Bongbong Marcos.

Sa pulong-balitaan sa Maynila ay masayang inanunsiyo ni Atty. Romulo Macalintal, election lawyer ni Robredo na ibinarusa ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang first cause of action ni Marcos.

Iyon ay may kaugnayan sa hiling ni Marcos sa Presidential Electoral Tribunal na tukuyin muna ang authenticity ng Automated Election System noong 2016 elections.

Nakasaad din umano sa resolusyon ng SC noong August 29,2017 ang pagbasura sa hiling ni Marcos na mabusisi ang resulta ng halalan sa 22 mga lalawigan at limang highly urbanized cities.

READ  Trillanes, nagbantang ibubunyag ang umano'y katiwalian ni Gordon

Sa halip ayon kay Macalintal ay tatlong lalawigan lamang ang iniutos ng SC na mareview ang resulta ng eleksiyon.

Iyon ay ang Camarines Sur, Ilo-Ilo at Negros Oriental.

Paliwanag ni Macalintal, kapag Hindi napatunayan ni Marcos na may nangyari ngang dayaan sa naturang tatlong mga lalawigan ay kaagad nang ibabasura ng PET ang protesta ng dating mambabatas.

Dahil dito naniniwala si Macalintal na sa kinalaunan ay magiging paborable kay Robredo ang resulta ng election protest.

Samantala, hiniling naman ng kampo ni Marcos sa PET na rendahan si Marcos na magbayad ng P 2 Billion para sa mga ipinoprotesta nitong vote counting machines.

READ  Duterte Calls Trillanes 'Ignorant' and 'Political ISIS'Trending News Portal

Source link

4 SHARE

Post Comments